Sunday, January 15, 2006

Ika-Lima

Tulad ng naipangako, heto na 'yung kalahati ng 2005 ko.
Hulyo
Napadpad (ulit) sa MalacaƱang. Pumila buong gabi para makakuha ng tiket sa Ateneo-La Salle. Humula na aalis si Gloria. Nainsulto sa APFI.

Agosto
Nagpalit (na naman) ng pangalan ng blog. Pumunta sa iBlog Mini sa UP Law Center. Nagdeklara ng pagnanasa kay Gretchen Fullido. Pumunta sa reunion ng Ateneo alumni scholars.

Septyembre
Nilayasan ng kabago-bagong telepono. Nag-examiner sa ACET. Ipinagbunyi ang panalo nina Pacquiao, Villoria at Bautista.

Oktubre
Nagluksa sa pagkatalo ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP. Nagbunyi nang mag-kampeon ang Ateneo Lady Eagles sa women's basketball. Nagbunyi nang magka-iskandalo ang men's basketball team ng La Salle. Nagmiron sa paluan sa EDSA.

Nobyembre
Nagsimula ng signature campaign para mapilit mag-blog si Kulot. Pumunta sa lamay ng isang Heswita. Nagkaroon ng boardmate na engineer. Na-hostage ng sariling ATM card.

Disyembre
Pumunta sa kasal ng kaibigan. Nakipagmatigasan sa Magic Sing.

No comments:

Post a Comment

IMPORTANT: Please be mindful of this blog's Comments Policy when posting your comments.