Wednesday, December 28, 2005

Seen And Read In 2005

Books
  • Freaky Deaky by Elmore Leonard (1988)
  • Killshot by Elmore Leonard (1989)
  • Get Shorty by Elmore Leonard (1991)
  • Rum Punch by Elmore Leonard (1992)
  • Riding the Rap by Elmore Leonard (1995)
  • The Summons by John Grisham (2002)
Movies
  • Madagascar (2005)
  • Bend It Like Beckham (2002)
  • The Calcium Kid (2004)
  • Any Given Sunday (1999)
  • No News From God (2001)
  • American Psycho (2000)
  • Zhou Yu's Train (2002)
  • Mr. & Mrs. Smith (2005)
  • Sin City (2005)
  • The Longest Yard (2005)
  • Batman Begins (2005)
  • The Usual Suspects (1995)

Wednesday, December 21, 2005

Par-tay!

Nag-Christmas party ang opisina kahapon. Ang daming tao! Puwede kasing magdala ng mga bata kaya kanya-kanyang hatak ng anak, pamangkin, o apo 'yung mga empleyado.

Lahat ng departmento kailangan mag-intermission number kaya binaboy namin 'yung "Pinoy Ako" at ginawa naming Christmas song. Hindi naman sa biased ako, pero 'yung number namin ang pinakapumatok. (Namudmod kasi kami ng tigsi-singkwenta pesos sa mga bata, he he.)

Marami kaming appliances na pina-raffle pero wala ako nakuha. Minamata ko pa naman 'yung DVD player. 'Di bale, bibili na lang ako ng sarili ko.


Pagkatapos noong bigayan ng ham ay nag-alisan na 'yung mga tao pero naiwan 'yung mga manginginom. Kami tuloy 'yung nakinabang sa Magic Sing.

Ewan ko ba kung may sira 'yun, pero ang kuripot noong machine! Hindi namin mabasag-basag 'yung 79 na high score. Minsan nga 01 o 02 lang. Nag-"My Way" na kami kahit delikado pero wala pa rin!. Na-challenge 'yung mga tao. Wala daw uwian hangga't walang nakakakuha ng 80 o mahigit. Salamat na lang naka-85 si Atty. Punzi bandang hatinggabi.

Monday, December 19, 2005

Another One Bites

At The Manor at Camp John Hay, 16 December 2005. Photo by T. Roa

I left law school without a degree, but I made a friend for life—a sister, even. Last Friday she tied the knot. Congratulations, 'Te K. Have fun.

Tuesday, December 6, 2005

Wala Ba Kayong Mga Kamay?

Tatlong bagsak para sa nakababatang kapatid ni ST na si Markwin Tee! Nanalo kasi siya ng isang ginto (Men's Masters) at isang pilak (Men's Individual) na medalya sa bowling sa kakatapos lang na Southeast Asian Games.

Tatlong bagsak din para kay J! Nag-uwi rin kasi siya ng dalawang medalya mula sa Philippine Advertising Congress na ginanap sa Cebu kamakailan.


Amoy-bilasang isda na itong blog ko. Abalang-abala kasi ang opisina sa pagdiriwang ngayong taon ng ika-labingwalong Urban Poor Solidarity Week. Hindi pa tapos kaya malamang ilang araw ulit bago ako makakapag-post dito. Marami sana akong kuwento pero gahol sa oras.


Sa wakas, sumuko na ang Bataan!