Wednesday, November 23, 2005

Sagot Sa Katanungan

Ilang linggo na ang nakakaraan ay may kaopisina akong nag-text sa akin na manood sa GMA 7. Ire-replay daw kasi 'yung telecast ng Miss International beauty pageant kung saan nanalo si Precious Lara Quigaman. Dahil may diperensya 'yung TV namin sa bahay, ipinaabangan ko na lang sa kanya 'yung question-and-answer portion. May kumalat kasi dati sa e-mail na sagot daw ni Ms. Quigaman. Nang panoorin naman ng kaopisina ko, iba 'yung itinanong kay Ms. Quigaman. Hoax nga talaga 'yung napabalita.

Tuesday, November 22, 2005

Heto, O

May job opening na naman:
hi all! help, we have another opening so if you know of anyone who'd be interested (sana huwag lang older than me hehe) here are some rough qualifications:

- media and entertainment-oriented
- creative
- strategic: marketing, promo (especially non-trad), research, etc.
- organized: project and events management
- personable
- OK to work weekends

please send resumes to domileo_espejo@abs.pinoycentral.com ASAP!!!

thanks =)
You know the drill, guys.

Thursday, November 17, 2005

Hostage (Ulit) Ng Technology

Nakapag-withdraw na ako ng pang-grocery kagabi kaya akala ko tapos na ang kalbaryo ko sa ATM. Hindi pa pala. Kani-kanina lang ay pumunta kami ni Atty. Punzi sa SM North. May binili kasi siya para sa tsikiting n'ya. Doon na rin kami nananghalian. Matapos kumain niyaya ko siya sa isang athletic goods store. Itinuro ko 'yung running shoes na matagal ko nang minamata pero hindi mabili-bili dahil hindi pa naka-sale. Nang dumaan kami sa department store nakita namin 'yung sapatos na gusto ko. Naka-sale! At merong size ko! Eksaktong-eksakto nang isinukat ko. Tinanong ko kung puwede kong ilakad hanggang sa ATM. Puwede daw. Palabas na sana ako ng department store nang pinabalik ako. Mas mabilis daw kung i-swipe na lang sa cashier 'yung ATM card. Hindi nag-work 'yung unang subok kaya lumipat kami sa ibang cashier. Pumalpak uli kaya lumipat na naman kami. Wala pa rin! Hiyang-hiya na ako. Naikahon at nai-plastik na kasi 'yung luma kong sapatos samantalang suot ko pa rin 'yung bago. Magwi-withdraw na sana ako sa labas pero nagmagandang-loob na Atty. Punzi. Noong i-swipe 'yung card niya, umubra! Sa makatwid 'yung card ko talaga ang may problema. Sumubok kami sa ibang ATM pero wala talaga. Ayaw na ngang isubo noong isang machine 'yung card. Sa sobrang banas ko nilakad ko papuntang bangko ko. Malapit lang naman, mga tatlong bloke ang layo galing sa SM kaya na-road test 'yung bagong sapatos. Pagdating ko doon nakapag-withdraw naman ako sa ATM. Ano ba talaga? Noong magtanong ako sa loob ng bangko ang sabi sa akin minsan daw talaga hindi tinatanggap ng ATM ng ibang bangko 'yung card namin. Mukhang mauulit na naman ang episode na ito.

Wednesday, November 16, 2005

Hostage Ng Technology

Ni pamasahe eh wala ako kahapon kaya dumaan ako ng SM North pagkatapos ng trabaho. Pero matapos akong pumila ng pagkatagal-tagal sa ATM eh hindi rin ako naka-withdraw. Down 'yung link sa bangko ko.

Pinagpawisan ako ng malagkit. Mahaba-habang lakad mula SM ang bahay ko. Siyempre hindi ko naisip na puwede akong kumuha ng taksi na pagdating ko na sa bahay babayaran.

Sumubok ako sa ibang ATM pero ganoon din. Hostage talaga 'yung pera ko. Pasalamat pa nga at ganoon lang. 'Yung isang bababe sa ATM na pinilahan ko e hindi lumabas 'yung pera. Kahit na anong palo at sipa niya doon sa machine e walang epekto.

Ang ginawa ko, dali-dali akong bumalik sa opisina at nagbaka-sakaling may abutan pang tao. Buti naman meron pa kaya nakahiram ako ng pamasahe pauwi. Kung hindi malamang hanggang ngayon naglalakad pa rin ako papuntang Marikina.


Bumalik ako sa SM dahil doon ang sakayan ko. Pagdaan ko may libreng concert ang Bamboo. Nakimiron ako pero doon sa malayo sa mga kabataang nagsa-slam dancing at crowd surfing. Hindi na kasi kaya ng gulugod ko 'yun. Mahirap talaga kapag tumatanda.

Thursday, November 10, 2005

May Engineer Na Kami!

Pumasa ang boardmate namin sa Electronics and Communications Engineer Licensure Examinations. Congrats, Rus! Noong Linggo lang 'yung huling araw ng exam pero nalaman na nila agad kagabi 'yung resulta. Puwede na silang magsunog ng libro. Ngayon pa lang ay ina-anunsyo ko na may lakad na ako bukas ng gabi. Scheduled na ang lasingan namin sa bahay.

Wednesday, November 9, 2005

Fr. Jack Phelan, S.J., 83

Noong Lunes binalitaan ako ng kapatid kong nag-aaral sa Ateneo de Naga na namatay na si Fr. Jack Phelan noong Linggo dito sa Maynila.

Agad kong sinabihan ang mga boardmates ko na magtanong-tanong kung may misa para kay Fr. Phelan sa Ateneo de Manila. Institusyon kasi siya AdeN; sa simula't sapul doon siya na-assign. At lampas sampung taon na ang nakakaraan, may gusaling itinayo roon na ipinangalan sa kanya.

Hindi ko s'ya naging guro kahit kailan, pero ayos kapag si Fr. Phelan ang magmi-misa kapag First Friday. Mabagal siyang magsalita kaya mas mahaba ang misa. Mas maraming class periods din ang nakakansela, he he.

Kagabi nalaman kong may lamay sa Loyola House of Studies ng Ateneo de Manila. Pagpunta ko doon pakiramdam ko nasa Ateneo de Naga Homecoming ako. Ang dami kasing matatandang alumni tulad nina Jaime Fabregas at Conrado de Quiros. Lima galing sa batch ko ang dumating.

Huling gabi na kagabi at ngayong umaga ang libing. Nag-text ako sa mga kaklase ko dati sa high school na nandito rin sa Maynila, pero 'di na sila nakahabol. 'Yung delegasyon naman na galing AdeN e ngayong umaga lang darating.

Gusto ko sanang makipaglibing at makita 'yung mga dati kong guro, kaso may trabaho ako. Sa susunod na lang ang reunion.


Last night I was reminded last night how masses—particularly Jesuit ones—can be so beautiful and poignant. I regretted not going to more these past few years.

Tuesday, November 8, 2005

Classified Ad

'Yung mga naghahanap ng permanenteng trabaho, baka gusto niyong i-click ito. Hindi ako puwede eh, malay natin para sa inyo. Kapag nakuha niyo, ayos na sa akin ang kwek-kwek na balato.

Sunday, November 6, 2005

Galing Kay Atty. Erni

"Ten years ago I was..."
A senior in high school. Tenyente ako sa CAT, Alpha Company Ex-O, pero talo kami sa military parade competition sa Peñafrancia Festival. Three years later alaskado ako: opisyal sa CAT ng ibang iskwela 'yung kapatid ko pero nag-champion sila.

"5 years ago I was..."
A freshman in law school. Namulubi ako sa libro at sa kaka-photocopy ng kaso. Doon din nagsimulang masira ang mata ko.

"Yesterday I was..."
At a birthday party, lumalantak ng litsong baboy at roast beef. Tumaba yata ako ng isang kilo.

"Five snacks I like..."
  1. Ginatan
  2. Diced hopia
  3. Siomai
  4. Halo-halo
  5. Tsamporado
"Five things I would do with $100 million..."
  1. Bumili ng sariling isla
  2. Magpa-renovate ng bahay
  3. Maglibot sa 'Pinas
  4. Kumuha ng Master's degree
  5. Mag-donate sa Gawad Kalinga
"Five places I would run away to..."
  1. Cebu
  2. Baguio
  3. Bicol
  4. Sweden
  5. Brazil
"Five things I would never wear..."
  1. "Siete" na gupit
  2. Maong na lampas dalawang libong piso ang presyo
  3. Gintong kuwintas
  4. Polka dots
  5. Kahit na anong green
"Five favorite TV shows..."
  1. WWE Raw
  2. WWE Smackdown
  3. Amazing Race
  4. C.S.I.
  5. basketball
"Five bad habits..."
  1. Katamaran
  2. Yosi
  3. Pagkalimot mag-sipilyo
  4. Pagpupuyat
  5. Kawalan ng pakialam
"Five biggest joys..."
  1. Murang beer
  2. Mga kaibigan
  3. Kawalan ng pasok
  4. Bilyar
  5. Pag-uwi sa probinsya
Five favorite toys...
  1. Trumpo
  2. Teks
  3. Playstation
  4. Bola
  5. Cell phone
"Five fictional characters I would date..."

  1. Si Psylocke sa komiks na X-Men
  2. Si Joey ng Dawson's Creek
  3. Si Danielle sa pelikulang The Girl Next Door
  4. Si Mina Murray sa komiks na The League of Extraordinary Gentlemen
  5. 'Yung karakter ni Jeon Ji Hyun sa My Sassy Girl
"Five people I tag to do this..."
Kahit sino!

Tuesday, November 1, 2005

Makuha Ka Sa Tingin

Ito si Kulot, ang pinakapaborito kong coño.



Walang halong sipsip pero nakakalula sa galing 'to kung magsulat. Minsan kapag inaabot pati sa sariling kamay.

Mabait si Kulot pero konting ingat. Kapag hindi ka niya trip, baka maging tauhan ka sa mga sinusulat niya. Sikat, hindi ba? 'Yun nga lang, pokpok na ang karakter mo, kakain pa ng bala sa ending. 'Di ba, Jean?

Sobrang tagal na naming inaawitan 'to na gumawa ng sariling blog. Sana naman ngayon eh matinag.