Monday, September 12, 2005

Sari-Saring Panalo

Ang sarap maging Pinoy kahapon! Panalo sina Manny Pacquiao (technical knockout sa ika-anim na round), Brian Viloria (knockout sa unang round) at Rey Bautista (knockout sa ikatlong round) sa mga laban nila.

Pero siyempre, mas masarap maging Atenista. Tinalo kasi ng Blue Eagles ang FEU sa Araneta kahapon. Nakaganti na sila sa doon sa pagkatalo nila sa Tamaraws noong una silang magharap.


Bar examinees lang yata ang hindi masaya kahapon. Ang hirap daw kasi nu'ng exam sa Taxation. Pero at least nangalahati na sila. Dalawang linggo na lang, tapos na ang pagdurusa. Susunod naman ang pag-aantay ng resulta.


May transport strike kaya magsasara na ang opisina namin mamayang alas-tres. Illogical ito, alam ko. Walang mga pampublikong sasakyan kaya hindi rin naman makakauwi ng maaga ang mga empleyado. SM North lang ang makikinabang. Pero siyempre aalis din ako ng maaga.

Friday, September 9, 2005

Imbitasyon At Iba Pa

Nakuha ko ito sa e-mail ko. Baka may interesado.
The upcoming traditional celebration in Metro Manila of the festivities for our Blessed "INA", the Virgin of Pe├▒afrancia, Patroness of the Bicol Region is coming up! Sa September 8, 9, 10 and 11, 2005 (Thursday to Sunday) na siya...Anyway, here's how you can join:

There will be the traditional Triduum of Novena prayers and Masses on September 8, 9 and 10, 2005 at 6:00 pm, to be held at the St. Andrew the Apostle Parish Church at N. Garcia St., Bel-Air, Makati City.

On September 11, 2005, Sunday, at 2:30 p.m., a motorcade bearing “INA” will start from St. Andrew Parish Church, going around streets of Makati, Mandaluyong and Manila, and ending at the Hospicio de San Jose, our designated embarkation point in Ayala Bridge, Manila. From there, the traditional fluvial procession along the Pasig River will commence, ending at the disembarkation point at the Jones Bridge in Escolta, Manila. From Escolta, a procession will follow, with the female devotees carrying the Image of the Virgin all the way to the Manila Cathedral. The highlight of the affair would be the solemn High Mass at the Manila Cathedral on September 11, 2005 at 6:00 p.m.

Kumuha na ako ng replacement SIM card sa Globe pero nagagamit ko lang 'yun tuwing gabi. Nakikisaksak ako sa telepono nu'ng boardmate ko dahil wala pa akong perang pambili. Hindi naman s'ya masyadong priority kaya sa Disyembre na lang ako bibili ng bago. 'Yun na lang ang pamasko ko sa sarili ko.

Tumaya na rin ako sa Megalotto kahapon. Mamayang gabi 'yung bola, malay natin dito bawiin 'yung mga kamalasan ko nitong mga nakaraang araw. Payag na 'ko kahit limang numero lang ang tumama. Wala naman kasi akong paggagamitan ng milyon-milyon.

Sa mga hindi ko nasabihan na wala akong telepono, pasensya na kung hindi niyo ako makontak.


Nakuha na naman akong ACET examiner. Apat na beses kong ginawa 'yun matapos kong gumradweyt ng kolehiyo. Hindi lang ako nakasama nitong nakaraang taon dahil nasa call center pa ako't may pasok kapag Sabado't Linggo.

Sablay lang ng konti ang iskedyul dahil kasabay ng ACET ngayong taon ang Final Four ng UAAP sa basketbol. Hindi tuloy ako makakanood kahit sa telebisyon lang.

Tuesday, September 6, 2005

Black Saturday

"Bakit 'Black Saturday?'" "Hindi kasi masyadong s'wak kapag 'Sabado de Gloria' ang pamagat." "Ano ba'ng nangyari noong Sabado?" "Wala masyado; nawala lang naman 'yung cell phone ko at natalo ang Ateneo. "Ha?!" "Maglinis ka nga ng tenga. Sabi ko, nawala 'yung cell phone ko at natalo ang Ateneo." "Anong nangyari?" "Sa telepono o sa Ateneo?" "Um, pareho?" "'Yung telepono, naiwan ko sa traysikel. 'Yung Ateneo, natalo ng tatlong puntos." "Ano'ng ginawa mo?" "Sa telepono o sa Ateneo?" "Sa telepono muna." "Tinawagan namin. Nag-ring nang nag-ring, pero hindi sinasagot. Maya-maya dukha na." "Dukha?" "Oo, 'cannot be rich' daw." "Nge, corny. Pinatay?" "Malamang. Apat na bars pa 'yun, e. Wala talagang planong magsoli 'yung nakakuha. Ni-report ko sa Campus Security Office tapos tumawag ako sa Globe. Pina-suspend ko 'yung linya't pina-block 'yung unit." "Hindi na magagamit 'yun?" "Ewan. Nagtanong ako dati sa Greenhills, sabi naman puwede pa kahit blocked na 'yung unit. 'Yung SIM card naman napapalitan." "Papaano 'yung phonebook?" "'Yun ang problema. Pero madali na 'yun." "E hindi ba kakakuha mo lang noong phone?" "Wala pang isang buwan. Libre lang 'yun sa Globe, pero kelangan kong ituloy 'yung plan kung hindi magbabayad ako." "Ano'ng plano mo ngayon?" "Kumuha ng replacement SIM, tapos bumili ng Nokia 5110. 'Yun ang teleponong siguradong makakabalik kahit mawala kasi walang magkaka-interes. Mahirap kasi kapag camera phone. Kapag may nakapulot, ang laki ng tukso na huwag nang ibalik sa may-ari." "Ano'ng feeling mo ngayon?" "Eto, galit sa sariling katangahan. Disappointed sa kapwa Pinoy. Pero 'di ko rin masisi masyado 'yung nakakuha. Kahit kasi tumuwad ka sa EDSA e hindi ka basta-basta makakapulot ng Nokia 6610i." "Tama. E 'yung sa Ateneo, ano'ng ginawa mo?" "Ano pa, e 'di nakikanta ng 'Song for Mary.' Win or lose it's the school we choose daw kasi e." "Maiba ako, baka naman kasi hindi ka naligo noong araw na 'yun?" "'Di a. Maitim ako pero hygienic akong tao." "Nagpalit ka ba naman ng brief?" "'Yun ang 'di ko maalala."